Ina ibinuwis ang buhay sa anak
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 21-anyos na ina matapos isalba ang kanyang anak na batang babae sa pagkalunod sa Pinacanauan River sa Barangay Nabbabbalayan, Peñablanca, Cagayan, ayon ulat ng pulisya kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Zaldy Mallari ng Cagayan PNP ang biktima na si Maricon Tuliao ng Barangay Aggaddan sa nasabing bayan.
Nabatid na tumatawid sa nasabing ilog ang mag-inang lulan ng bangka para kumuha ng gulay sa kabilang ibayo nang ito tumaob dahil sa lakas ng agos ng tubig.
Ayon sa ilang nakasaksi sa insidente, pilit na isinasalba ng ina ang anak para kumapit sa tumaob na bangka hanggang saklolohan ng iba pang mga nakakita sa bata.
Sa kasamaang palad tinangay ng malakas na alon ang biktima kung saan magtatakip silim na ng matagpuan ng rescue team ang mga labi nito.
- Latest
- Trending