^

Probinsiya

Cop sinibak sa maruming police station

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa maruming himpilan ng pulisya at hindi tamang bihis ng mga pulis, sinibak sa puwesto ang hepe ng pulisya sa bayan ng Banaue, Ifugao, ayon sa ulat kahapon.

Sa ipinalabas na ulat ni Cordillera PNP Office Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, kinilala ang sinibak na hepe na si P/Senior Inspector Leo Paduaon.

Pansamantala namang humalili kay Paduaon bilang officer-in-charge si P/Senior Inspector Patricio Allaga.“For being irresponsible and grossly inefficient, the chief of police of Banaue Municipal Police Station in Ifugao is  relieved upon orders of the Regional Director,” anang statement ng Cordillera PNP.

Sinibak si Paduaon matapos ang sorpresang pag-iinspeksyon sa nasabing himpilan ng mga senior officer na naaktuhan ang maruming himpilan at hindi maayos na pananamit ng mga pulis na nagbabantay.

“During the surprise inspection they  found among others that the station was extremely dirty,  grossly unkept and the personnel were not in presentable uniform,” nakasaad sa ulat.

Ang Banaue ay isa sa 7-pamosong tanawin sa buong mundo na dinarayo ng mga turista dahil sa nakakahalinang “Banaue Rice Terraces” kaya dapat na maging maayos at malinis ang himpilan at ang mga pulis na nagbabantay dito, ayon pa sa opisyal.

Kaugnay nito, binalaan pa ni Magalong ang iba pang hepe ng pulisya na gawin ang lahat ng makakaya upang tiyakin na maayos ang kondisyon ng kanilang himpilan at mga tauhan para irespeto ng mga mamamayang pinagsisilbihan.

ANG BANAUE

BANAUE MUNICIPAL POLICE STATION

BANAUE RICE TERRACES

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

IFUGAO

OFFICE DIRECTOR P

PADUAON

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with