Rider nag-dive sa flyover

BOCAUE, Bulacan, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 34-anyos na sales agent na nagmomotorsiklo makaraang mag-dive sa mataas na bahagi ng flyover sa MacArthur Highway sa Barangay Biñang 1st sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na naisalba pa sa ospital ang biktimang si Ronald Aspera ng Barangay Baesa, Quezon City. Lumilitaw sa police report na sinalpok ng motorsiklo ng biktima ang nakahintong motorsiklo ng kanyang kasamahan dahil sa tumagilid ito sa madilim na bahagi ng flyover na kapwa patungo sana sa Nueva Ecija. Dito na sumem­plang ang motorsiklo kung saan sumirko ang katawan nito bago nag-dive sa flyover.

Show comments