^

Probinsiya

11-anyos pinatay sa gulpi

- Ni Tony Sandoval -

LOPEZ, Quezon ,Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 11-anyos na batang lalaki matapos gulpihin ng kanyang bayaw kamakalawa ng hapon sa Barangay Talolong, Lopez, Quezon. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Arvy Jhon Filarca na tadtad ng pasa ang iba’t-ibang bahagi ng katawan. Wala rin itong saplot sa katawan nang madiskubre ng kanyang ate na si Arian, 20, ka-live-in ng suspek na si Ronald Marcaida, 30. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Christian Magilano, napilitang umuwi mula sa pagtatrabaho sa bayan ng Tagkawayan, Quezon si Arian matapos makatanggap ng tawag sa barangay captain kaugnay sa natuklasang bangkay ng kanyang utol. Inamin naman ng suspek sa kanyang live-in na siya ang responsable sa pagkamatay ng biktima at humingi ng kapatawaran subalit hindi nito tinukoy ang motibo sa pamamaslang.

ARVY JHON FILARCA

BANDANG

BARANGAY TALOLONG

CHRISTIAN MAGILANO

INAMIN

LOPEZ

QUEZON

RONALD MARCAIDA

TAGKAWAYAN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with