Ambush: Mag-ama bulagta

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napaslang ang mag-ama habang sugatan naman ang mag-ina matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Angadanan, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Salvador Mangulab, hepe ng Angadanan PNP ang mag-amang biktima na sina Melanio Respicio, 52; at Maryjane Respicio, 7, habang sugatan naman ang kanyang mag-inang Marilou Respicio, 50; at Merlyn Respicio, 22, pawang mga nakatira sa Barangay Lasuerte sa nabanggit na bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, magkakasama ang mga biktimang lulan ng motorsiklo patungo sana sa kanilang kamag-anak nang ratratin ng riding-in-tandem pagsapit sa kahabaan ng Barangay road sa Sitio Don Maria.

Show comments