^

Probinsiya

Bike vs bike: 3 bulagta

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Ramon, Isabela noong Huwebes Santo, ayon sa ulat kahapon. 

Kabilang sa mga nama­tay ay sina Chris Ivan Gorospe, 18; Gauden­cio del Rosario, 64; at si Jessie Reyes, 20.

Patuloy namang nakikipaglaban kay kamatayan ang isa pang biktimang si Christian del Rosario, 20.

Sa ulat ni SPO2 Oscar Valero na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa Barangay Ge­neral Aguinaldo bandang alas-2:30 ng hapon.

Lumilitaw na kalalagpas pa lamang sa checkpoint ng dalawang motorsiklo na isa rito ay Suzuki (3409-BQ) at Honda TMX (1164-BQ) nang magsalpukan sa pakurbadang highway kung saan sumalpok pa sa concrete barrier.

Lumilitaw pa na pawang nakainom ng alak ang mga biktima kaya naman sinalubong ni kamatayan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY GE

CAMP CRAME

CHRIS IVAN GOROSPE

GAUDEN

HUWEBES SANTO

ISABELA

JESSIE REYES

KABILANG

LUMILITAW

OSCAR VALERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with