Misis tinaga ni mister, grabe
MANILA, Philippines - Dahil sa pagtangging makipagbalikan ay ginulpi at pinagtataga ang 48-anyos na misis ng kanyang mister sa bahay ng kaniyang biyanan sa Sitio Talon, Barangay Maligaya sa bayan ng Mabitac, Laguna kamakalawa ng gabi. Patuloy na isinasalba ngayon sa ospital ang biktimang si Emily Ramos na sinasabing nagtamo ng mga sugat sa leeg, at iba pang bahagi ng katawan.
Nahaharap naman ngayon sa kasong kriminal ang suspek nakakulong na si Dionesio Ramos, 53 , mangingisda at residente sa Barangay Pag-asa. Sa ulat ni P/Senior Inspector Rex Coballes Langcay, lumilitaw na noong Miyerkules ng Marso 28 ay nagdesisyon ang misis na hiwalayan na ang kaniyang mister bitbit ang tatlong anak dahil hindi na nito makayanan ang hirap sa pambubugbog ng asawa. Nagsisigaw pa ang suspek sa labas ng nasabing bahay bago puwersahang pumasok sa loob at saka pinaggugulpe ang asawa kung saan hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa ito.
- Latest
- Trending