^

Probinsiya

500 sundalo vs dumukot sa mayor

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Minobilisa na ng Armed Forces of the Philippines ang mahigit sa isang batalyon (500 sundalo) ang bilang upang tugisin ang mga kidnaper na bumihag kay Salug, Zamboanga del Norte  Mayor Jeffrey Lim noong Abril 2 ng gabi.

Ayon kay Army’s 1st Infantry Division spokesman Captain Alberto Caber, dalawang platoon ng 10th Infantry Battalion, 1 batalyon ng Army’s 44th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Col. Gerardo Barrientos bukod pa sa puwersa ng pulisya ang humahanting ngayon sa mga kidnaper ni Mayor Lim.

Kasabay nito, sinabi ni Caber na bantay-sarado at mahigpit na ring kinokordon ng militar ang Triple SB area o ang mga bayan ng Sirawai, Siocon at Sibuco na sinasabing pinagdalhan sa bihag  upang maiwasang mailipat ito ng taguan.

Ang Triple SB ay pinamumugaran ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na sangkot sa illegal na aktibidades sa Zamboanga Peninsula.

Ang alkalde ay nabatid na maraming negosyo sa kanilang lugar kabilang ang mineral water at wala rin umanong natatanggap na banta sa kaniyang buhay bago naganap ang insidente.

Sa kasalukuyan ay inilatag na rin ang checkpoint sa mga highway gayundin sa mga bumibiyaheng speedboat at iba pang uri ng sasakyang pandagat para sa mabilisang pagbawi sa alkalde.

Magugunita na si Lim ay dinukot ng mga nagpanggap na pulis habang kumakain sa terminal ng bus sa Barangay Poblacion sa bayan ng Salug noong gabi ng Abril 2.

ABRIL

ANG TRIPLE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY POBLACION

CAPTAIN ALBERTO CABER

GERARDO BARRIENTOS

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAYOR JEFFREY LIM

MAYOR LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with