NPA camp binomba ng PAF
MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 14-missile ang turbo-prop strike planes ng Philippine Air Force sa natukoy na pinagkukutaan ng mga rebeldeng New People’s Army sa kagubatan ng Sitio Nabuntoran, Barangay Sampaguita sa bayan ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa.
Ayon sa Army’s regional spokesman na si Col. Leopoldo Galon, hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde ang nasawi dahil patuloy pa ang clearing operation ng Philippine Army.
Sinabi ni Galon na umaabot sa 14 high explosive rocket missile ang ibinagsak ng SF 260 Marchetti strike aircraft ng PAF’s Marchetti strike aircraft ng PAF’s Tactical Operation Group-11 sa lugar dakong alas -5:20 ng umaga.
Ang pagpapaulan ng rocket ay matapos namang makasagupa ng Army’s 8thInfantry Battalion ang grupo ng mga rebelde.
Narekober sa inabandonang kuta ng mga nagpulasang rebelde bitbit ang sugatan nilang kasamahan ay dalawang backpack na naglalaman ng mga dokumentong high intelligence value, sako ng bigas, mga damit, nawasak na M16 rifle at iba pa.
Magugunita na nauna nang inihayag ng Palasyo ng na hindi magpapatupad ng Lenten ceasefire ang tropa ng pamahalaan laban sa mga rebelde.
- Latest
- Trending