7 batang kawatan dakma
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pitong menor-de-edad na kalalakihan ang nasakote ng pulisya kaugnay sa naganap na nakawan sa cell phone shop sa Tuguegarao City kamakalawa ng gabi. Tumangging ibigay ni P/Chief Insp. Ireneo Lopez, deputy commander ng Tuguegarao City PNP, ang pagkakakilanlan ng mga suspek kung saan nasa custody na ng lokal na sangay ng Department of Social Welfafre and Development. Nasamsam sa mga suspek ang 25 brand new cellphones at motorsiklong pinaniniwalaang kinarnap ng grupo. Nasakote ang mga suspek matapos ibenta sa halagang P5,000 ang motorsiklong kanilang kinarnap kasabay na nabawi ang mga cellphone na nakulimbat sa Gadget King Cellphone Shop.
- Latest
- Trending