Pangulo ng university itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang presidente ng Universidad de Zamboanga matapos na ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay Santa Maria sa Zamboanga City kahapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, napuruhan sa dibdib ang biktimang si Dr. Arturo Eustaquio III, pangulo ng nasabing unibersidad na dating Zamboanga Arturo Eustaquio College. Nabatid na lulan ng motorsiklo ang biktima mula sa kanyang tahanan sa Maestra Vicentra nang pagbabarilin motorcycle-riding gunmen. Nagawa pang isugod sa Zaec Hospital ang biktima subalit namatay din dahil sa anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments