^

Probinsiya

Van vs trak: 2 doktor bulagta

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang doktor matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa nakaparadang trak sa gilid ng national highway sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Romeo Contreras ng Sta Rosa Balibago Police Community Precinct na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Maria Elizabeth Mendoza, 35, physician at nakatira sa Brookside Hills, Cainta, Rizal; at Yemen Cadatuan, 38, surgeon at residente sa Bagong Barrio sa Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente sa dakong alas-3:45 ng madaling-araw noong Sabado habang lulan ng Toyota Hi-Ace van ang dalawang doktor.

Sinasabing patungong Maynila ang mga biktima nang sumalpok ito sa hulihang bahagi ng trak na nakaparada dahil nagpapalit ng gulong sa bahagi ng Barangay Macab­ling sa nasabing lungsod.

Nabatid sa ulat ng pulisya na habang kinukumpuni ang gulong ng trak ay may inilatag na warning device sa kalsada ang driver pero hindi napansin ng driver ng van na si Cadatuan.

Naisugod pa sa ospital ang dalawa subalit ilang oras ang nakalipas ay namatay din dahil sa matinding sugat sa ulo at ibang bahagi ng katawan.

Ang truck driver na si Geneboy Bartolome ay naha­h­arap sa mga kasong reckless imprudence resulting in damage to property at double homicide. Subalit hindi naman kina­suhan ng mga kamag-anak ng mga biktima ang driber ng trak dahil batid na nilang walang pagkakasala ito.

BAGONG BARRIO

BARANGAY MACAB

BROOKSIDE HILLS

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

GENEBOY BARTOLOME

MARIA ELIZABETH MENDOZA

ROMEO CONTRERAS

ROSA CITY

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with