^

Probinsiya

Pakistani dakma sa pekeng gamot

Nina - Cristina Timbang, Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang notoryus na counterfeit drug syndicate matapos madakma ang 54-anyos na Pakistani sa inilatag na operasyon sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., ang suspek na si Mohammaed Yousof alyas Usuf Ali ng Block 5, Lot 31, Rosewood Blvd., Rosewood Village, Barangay Niog 2, Panapaan, Bacoor.

Patuloy namang tinutugis ang dalawa  pa nitong kasamahan na sina Nasser Ali alyas Mohammed Nasser Ali at Mohammed Faisal Ali alyas Faisal Ali na sinasabing nakatunog sa inilatag na operasyon.

Ayon sa ulat, bandang alas-6 ng gabi nang salakayin ang bahay ng tatlo ng PNP-CIDG operatives sa pangu­nguna nina Batangas CIDG sa pamumuno ni P/Chief Insp. Jay Agcaoili at Cavite CIDG sa pamumuno naman ni SPO3 Roland Costalis bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Cesar Ma­ngro­bang ng Imus Regional Trial Court (RTC) Branch 22.

Nasamsam sa suspek ay 10-piraso ng transparent plastic bag na naglalaman ng mga pekeng gamot na ibenebenta sa merkado na lubhang delikado sa kalusugan.

Kabilang sa mga nakum­piskang pekeng gamot ay 500 piraso ng Loperamied diatabs, 25-piraso ng Cycotec na tig 200mg tableta, 36 pirasong paracetamol Biogesic, 90 pirasong mefenamic acid, 5 kahon ng Roxithromycin, 57 pirasong Dermotave ointment, 52 piraso ng stresstabs at iba pa.

Nasamsam rin ang 24-piraso ng kulay dilaw na tamper proof resistance seal, laptop, desktop computer na may printer at Grandia na gamit sa modus operandi.

Nakumpirma namang mga peke ang gamot matapos na sumailalim sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration.

BACOOR

BARANGAY NIOG

CAVITE

CHIEF INSP

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR.

DRUGS ADMINISTRATION

FAISAL ALI

IMUS REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with