Driver pisak sa van

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines  – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 29 anyos na tricycle driver matapos na masagasaan ito ng isang rumaragasang sasakyan sa isang lugar dito kahapon. Dead-on-the-spot sa insi­dente ang biktimang kinilalang si Ricky Denosta, binata ng Brgy. Pandayan ng siyudad na ito habang arestado naman ang nakasagasa ritong si Raymond Constantino, 21 ng bayan ng Marilao. Sa imbestigasyon, dakong alas-2:40 ng hapon habang tumatawid ang biktima sa pedestrian crossing ng mahagip ng isang humahagibis na Isusu Elf aluminum closed van (XHF 600) na minamaneho ni Constantino na tuluyang nabundol at tumilapon pa ng ilang metro ang katawan.

Show comments