5 patay sa flashflood sa Capiz
MANILA, Philippines - Umaabot na sa lima katao ang iniulat na nasawi sanhi ng flashflood dulot ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan ng Capiz, ayon sa ulat kahapon.
Sa ipinalabas na report ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nakilala ang mga nasawing biktima na sina Diomer Albay, 14 anyos at Kathlene Padilla, 3; kapwa ng bayan ng Cuartero; Jolly Diosco, 14, at Karen Denubo, 10, ng bayan ng Panit-an at Rey Reyes, 9, ng Poblacion Proper, Mambusao; pawang ng nasabing lalawigan.
Ang mga ito, ayon sa ulat ay pawang nasawi sa pagkalunod sanhi ng mataas na mga pagbaha sa kanilang lugar na nagsimula nitong nakalipas na mga araw dulot ng masamang lagay ng panahon o ang tail end of the cold front.
Naitala naman sa 6,737 pamilya ang apektado ng mga pagbaha sa may 143 barangay sa 13 bayan ng lalawigan.
Samantala, iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa P65.657 M ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura bunga naman ng mga pagbaha sa lalawigan ng Oriental Mindoro partikular na sa bayan ng Naujan na pinaka-grabeng naapektuhan.
- Latest
- Trending