Wanted bulagta sa shootout

MANILA, Philippines - Napaslang ng arresting team ng pulisya ang itinutu­ring na most wanted person matapos itong makipagbarilan habang isinisilbi ang warrant of arrest sa Barangay Capucao, Ozamis City kahapon ng madaling araw. Bandang alas-4:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng Joint Task Force Panguil ang pinagtataguan ng suspek na si Virgilio “Virling Scarface” Sabad. Imbes na sumuko dahil sa isinisilbing warrant of arrest ay pinaputukan pa nito ang mga pulis na nauwi sa shootout hanggang sa mapatay si Sabad. Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang granada, cal. 45 pistol at magazine ng cal. 45 pistol na may tatlong bala.

Show comments