Senglot lasog sa tren

QUEZON, Philippines - Nalasog ang katawan ng 24-anyos na obrero na sinasabing lango sa alak matapos itong masagasaan ng tren habang pasuray-suray na naglalakad sa riles sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng puisya ang biktima na si Jayson Sante ng Barangay Malabanban Norte. Ayon kay PO2 Archivald Leal, dakong alas-9-30 ng gabi ay huling nakita ang biktima na naglalakad sa mismong riles ng tren matapos na makipag-inuman sa mga kaibigan. Ayon sa pulisya na posibleng nasobrahan sa alak ang biktima kaya hindi nito napansin ang pagdating ng tren at tuluyang nasagasaan.

Show comments