Tren vs kotse: Mag-ina todas

MANILA, Philippines - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng mag-ina matapos mabangga ng tren ang kanilang kotse sa Barangay Halang, Calamba City sa Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-ina na sina Anabel de Guzman, 51; at Cristine de Guzman, 24.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang trahedya sa kahabaan ng Chipeco Avenue Extension dakong alas-9:50 ng gabi.

Lumilitaw na patungong Lumban, Laguna ang To­yota Altis Sedan ng mag-ina kung saan patawid sa riles nang mabangga ng tren na may numerong 713  na patungo namang Ligao City, Albay.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay halos nayu­pi ang kotse at nakaladkad pa ng ilang metro kung saan nahirapan ang mga rescue` team na maialis ang bangkay ng mag-ina mula sa sasakyan.

Show comments