Pulis itinumba sa sayawan
MANILA, Philippines - Nagsilbing huling indak sa saliw ng El Bimbo ng 31-anyos na bagitong pulis matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa sayawan sa Barangay Sinabsaban sa bayan ng Cuartero, Capiz kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Bailan District Hospital ang biktimang si PO1 Arnel Dellava, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Tapaz. Lumilitaw na masayang nagsasayaw ang biktima nang biglang lapitan at paputukan ng shotgun ng suspek na si Edmundo Denosta, 55. Nagkagulo sa sayawan kung saan sinamantala naman ng suspek na tumakas.
- Latest
- Trending