2 bulagta sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na road mishap sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Isabela kamakalawa. Si Banjo Acson, 19, ay nasawi matapos sumalpok ang inaangkasang motorsiklo ni Raymund Estabillo, 23, sa kasalubong na motorsiklo ni Lemar Agudong sa kahabaan ng highway sa Barangay Maigun sa bayan ng Roxas, Isabela. Sugatan naman ang kaangkas ni Agudong na si Michael Mina, 26, ng Brgy. Sta. Isabel Sur, Ilagan. Samantala, namatay din si Aurito Aron na kaangkas sa motorsiklo ni Mario Danga, 37, matapos sumalpok sa kongretong barikada sa gilid ng tulay sa Barangay Palagao sa bayan ng Jones, Isabela.

Show comments