^

Probinsiya

9-anyos todas sa baril ng ama

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang siyam na taong gulang na batang babae ang nasawi makaraang aksidenteng mabaril ng sarili nitong ama sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Manila de Bugabos, Butuan City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jelly Jane Ranoco, nagtamo ng tama ng bala ng cal.45 pistol sa kaniyang dibdib na naglagos sa likuran ng bata na siyang kumitil sa buhay ng bata.

Sising alipin naman ang ama nitong si Romeo Ranoco, 39 anyos na ngayo’y nahaharap sa kasong  kriminal.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa loob ng tahanan ng pamilya Ranoco sa nasabing lugar bandang alas-7 ng gabi.

Kasalukuyang nililinis ng ama ng bata ang armas nito na inakala nitong wala ng bala pero aksidenteng pumutok ang armas na ikinamatay ng anak.

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUGABOS

BUTUAN CITY

CAMP CRAME

HUWEBES

ISANG

JELLY JANE RANOCO

KASALUKUYANG

ROMEO RANOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with