Killer ng police colonel timbog
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na itinuturong responsable sa pananambang at pagkakapatay sa isang colonel ng pulisya noong 2009 sa Bicol Region sa isinagawang follow-up operation sa San Pedro, Laguna kamakalawa.
Batay sa ulat, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang nasakoteng suspek na si Allan Serrano alyas Ka Bunso, 31, miyembro ng CPP-NPA Komiteng Pamprobinsiya ng Albay.
Sinabi ni Cruz na bandang ala-1 ng hapon ng masakote ng pinagsanib na elemento ng San Pedro Police Station sa pamumuno ni Sr. Inspector Jaime Pederio at Albay Provincial Public Safety Company (PPSC) sa ilalim ng superbisyon ni San Pedro Police Chief P/Supt. Kirby John Kraft sa USBS Brgy. San Antonio sa bayan ng San Pedro.
Hindi na nakapalag ang suspek matapos mapalibutan ng arresting team ng pulisya sa nasabing operasyon.
Sa tala, sinabi ni Cruz na ang suspek ay responsable sa pananambang at pagkakapatay kay Supt. Gregorio Guarin, Acting Chief ng Police Human Resource and Development Division (PHRDD) noong Mayo 2, 2009 sa Brgy. Tula-Tula, Legaspi City.
- Latest
- Trending