Mag-asawa niratrat, nilooban
TUGUEGARAO CITY ,Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawang magsasaka makaraang pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dungo sa bayan ng Aglipay, Quirino kamakalawa. Batay sa ulat na ipinalabas ni P/Chief Supt. Rodrigo De Gracia, regional PNP director, ang mga biktima ay kinilalang sina Erickson Tuquero, 27; at Melanie Tuquero, 22. Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Ernesto Ramirez, 47; Mario Paragas ,45; at si Flor Paragas, 47, pawang magkakamag-anak, at magsasaka. Bukod sa panloloob ay sinisilip din ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa alitan sa lupang sinasaka ng mag-asawa at mga suspek ang isa sa motibo ng pamamaril.
- Latest
- Trending