Sekyu napikon, pumatay

CAVITE ,Philippines  – Napatay ang 51-anyos na mister  matapos barilin ng shotgun ng security guard na napikon sa pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Silang Crossing East, Tagaytay City sa Cavite. Halos mawasak ang katawan ng biktimang si Allan Peñalosa ng  Area F, Chest Clinic Compound sa Aurora Blvd., Pasay City. Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Anwar Dimaporo, nakatalagang sekyu sa Country Homes 3 Subd. Lumilitaw na nakipagtalo ang biktima kung saan napikon ang suspek kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments