P14.9-M troso nasamsam
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P14.9 milyong halaga ng illegal na troso ang nasamsam habang 85-katao na sinasabing mga illegal logger ang nadakma sa serye ng operasyon sa Caraga Region, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat ni P/Chief Supt. Reynaldo Rafal na isinumite sa Camp Crame, nasa P1.1 milyong halaga ng boardfeet ng timber products ang nasamsam sa 159 operasyon laban sa illegal logging. Ayon pa sa ulat, ang mga troso na nagkakahalaga ng P14.9 milyon ay nakalulan sa 110 trak. Ang mga nakumpiskang tone-toneladang troso ay gagamitin na lamang sa pagpapagawa ng mga upuan, lamesa sa mga pampublikong paaralan sa Caraga Region at maging sa outpost ng mga maneuver units ng PNP.
- Latest
- Trending