NPA camp nakubkob
MANILA, Philippines - Nakubkob ng tropa ng Army’s Scout Ranger Company ang malaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army matapos ang ilang minutong bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Lobo sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur noong Martes.
Ayon kay Col. Leopoldo Galon, spokesman ng AFP- Eastern Mindanao Command, kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol operation ang grupo ni Captain Joven Puyongan nang matunton ang kampo ng mga rebelde na nagresulta sa 20-minutong bakbakan.
Napilitan naman magsiatras ang mga rebelde sa takot na maubos ang puwersa laban sa tropa ang military.
Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo habang pinaniniwalaang nalagasan ng puwersa ang mga rebelde base sa mga nakitang patak ng dugo sa lugar na dinaanan.
Natagpuan sa lugar ang 12 bunker kung saan nasamsam ang isang carbine rifle, mga sangkap sa paggawa ng landmine, mga bala ng AK 47 assault rifle, hand radio, cellphone at mga personal na kagamitan.
- Latest
- Trending