Jailbreak: 4 preso nakapuga

BATANGAS, Philippines - Apat na preso ang nakatakas sa naganap na jailbreak sa provincial jail sa Ba­tangas City, Batangas noong Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas police director, kabilang sa mga nakapuga ay sina Mariano Basilan na may kasong murder; Randy Merelles na may kasong robbery with homicide; John Kenneth De Villa, suspek sa rape with homicide at si Peter Borce na may kaso namang robbery.

Base sa police report, winasak ng mga preso ang kisame ng selda  kung saan doon dumaan sa pagtakas. Nadakma naman kaagad sina Merelles at Borce habang matagumpay namang nakatakas sina Basilan at De Villa.

Nabatid din na isinugod sa Batangas Regional Hospital si Borce matapos mabaril ng jail guard sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Sasailalim naman sa imbestigasyon ang mga on-duty guard ng Batangas Provincial Jail kaugnay sa naganap na jailbreak.

Show comments