Ama nagbigti dahil nakabuntis ang anak

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Hindi matanggap ng 49-anyos na ama ang kinakaharap na problema ng kanyang anak na makabuntis ng kasintahan kaya nagdesisyon itong magbigti sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Pabrica, San Vicente sa Camarines Norte.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Ruben Sy.

Nabatid na ilang araw nang walang kibo ang biktima kung saan hindi ito mapagkatulog matapos malaman na ang kanyang anak na si Rommel na sinasabing magtatapos ng kolehiyo ay nabuntis ang kasintahan.

Nauna na dito na matagal pinaghirapan ng mister na makapagtapos ang kanyang anak sa college, subalit nang sabihin ng anak na buntis ang kanyang kasintahan ay

dito na sumama ang loob nito sa anak dahil nabalewala ang ilang taong paghihirap para lamang makatapos sa kolehiyo ang anak kaya nag­desisyong magpasalubong kay kamatayan.

Show comments