NUEVA ECIJA ,Philippines – Napatay ang 39-anyos na mister habang sugatan naman ang kanyang anak na lalaki matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Tambo Adorable sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija noong Linggo ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Benjamin Sambrano Jr., miyembro ng Citizens Organization for Peace and Security Inc. habang sugatan naman ang anak na si John Eric Sambrano, 14, na tinamaan ng bala sa kaliwang braso. Ayon sa police report, lumilitaw na patungong simbahan ang mag-ama lulan ng berdeng owner-type jeep (BBZ-146) nang pagbabarilin.