4 arestado sa pot session

BULACAN, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng apat na sibilyan matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa isinasagawang pot session sa loob ng motel sa Barangay Pagala sa bayan ng Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Rizalino Andaya ang mga suspek na sina Francis Patawil ng Brgy. Poblacion, Plaridel; Crystaline Vergel de Dios ng Brgy. Tambubong, San Rafael; Raymond Cabalquinto ng Brgy. Makinabang at si Aljerie De Los Santos ng Brgy. Subic, Baliwag.

Nabatid na nagreklamo sa pulisya ang Cristal Lodge Inn laban sa magsyotang Patawil at De Dios na hindi nakakabayad sa loob ng 5-araw matapos mag-check-in kung saan may dalawa pang lalaki na pumasok. Nang siyasatin ng pulisya ang kuwarto ay bumungad ang mga suspek na nagpa-pot session. Nasamsam ang ilang gramo ng shabu at baril.

Show comments