Konduktora nakabitaw sa jeep, dedo

RIZAL, Nueva Ecija, Philippines  – Patay ang isang konduktora makaraang aksidente itong makabitaw at mahulog habang nakatayo sa likuran ng ipinapasada nilang jeepney sa Brgy. Del Pilar ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mylene Pacson, 35, dalaga, isa umanong tomboy ng San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija. Idineklarang dead-on-arrival ang biktima sa Dr. Bautista Medical Clinic sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-8:10 ng umaga, habang tinatahak ng pampasaherong jeepney (CXN-313) na puno ng pasahero at minamaneho ni Edgardo Sadie, 42 anyos ang nasabing lugar ng mangyari ang insidente.

Bigla na lamang mawalan ng balanse at makabitaw ang biktima.

Ang biktima ay tumama ang ulo sa matigas na kalsada na siya nitong ikinamatay.

Show comments