Mining firm tumutulong sa mga mahihirap
ZAMBALES, Philippines - Bilang pag-ayuda sa programa ng lokal na pamahalaan at tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maiangat kamuwangan sa kalusugan at sanitasyon ng mga residente, muling inihayag ng Benguet Nickel Mines Inc. (BNMI) ang patuloy na pagtulong sa mga barangay.
Ayon kay BNMI project manager Engr. Romy Flores na simula Enero 2012, umabot na sa 1,626 residente ang nabiyayaan sa mga inilunsad na medical and dental missions ng BNMI sa mga barangay na nakakasakop sa BNMI sa Candelaria at Sta. Cruz.
Sinabi pa ni Flores na ang BNMI ay namahagi din ng mga hygiene kit sa mga mag-aaral sa elementary at Barangay Day Care Center; samantalang blood pressure apparatuses, nebulizers, weighing scales, height charts, at first aid kits naman ang para sa mga guro.
Binanggit din ni Flores na mula noong 2007, ang BNMI ay nagsasagawa ng regular na feeding program sa 13 paaralan sa Sta. Cruz.
Ang mga medical mission umano ay nailunsad sa tulong ng BNMI medical arm, Benguet Laboratories, na patuloy na nakikipagtulungan sa Philippine Dental Association.
“Ang programa ay pakikiisa sa programa ng LGU at DSWD na naglalayong mapuksa ang malnutrisyon na may mataas na bilang sa Zambales,” wika ni Flores.
Maliban sa programa sa kalusugan at nutrisyon, nagkakaloob din ng scholarship program ang BNMI para sa high school at vocational students, at kamakailan lamang ay inilunsad ang unang “Adopt A School Program” kung saan ay napili ang Guisguis Barangay.
- Latest
- Trending