^

Probinsiya

2 karnaper bulagta sa shootout

- Ni Boy Cruz -

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines  – Dalawang pinaghihinalaang notoryus na karnaper ang nasawi makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na elemento ng mga awtoridad nang maaktuhang tinatangay ang isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng McArthur highway ng lungsod na ito.

Kinilala ni Provincial Director P/Sr.Supt. Fernando Mendez Jr. ang naging biktima ng mga suspek na si Rammy Alkhadra 26, residente ng Brgy. Calera sa siyudad na ito .  

Gayunman, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Isa sa mga ito ang nakasuot ng jacket na itim,5’3”- 5’5 ang taas,nasa pagitan 25-28 anyos, may tattoo sa kaliwang binti na “Angel” at “Cesar Gulle” sa kaliwang dibdib habang ang isa pa ay may tattoo din sa kanang binti, 28-30 anyos, nakasuot ng puruntong at puting sando ng basketball.

Bandang alas-9:30 ng gabi ng maganap ang puwersahang pang-aagaw ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklong Rackal (150 96191-IT)sa motorsiklong Yamaha Mio Amore ng biktima matapos itong tutukan ng baril sa Brgy. Caingin ng lungsod.

Nagresponde naman ang Malolos City Police at Provincial Public Safety Company pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ang mga suspek ng makorner sa Brgy. Sapang Matanda ng lungsod na ikinasawi ng mga ito.

Narekober sa lugar ang isang.38 pistol, isang .22 machine pistol, at mga pick locks na ginagamit sa pagdistrungka ng ignition key.

BRGY

CESAR GULLE

FERNANDO MENDEZ JR.

MALOLOS CITY POLICE

PROVINCIAL DIRECTOR P

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

RAMMY ALKHADRA

SAPANG MATANDA

YAMAHA MIO AMORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with