^

Probinsiya

Ex-councilor tiklo sa extortion

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 47-anyos na ex-municipal councilor matapos madakma ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang councilor sa kasong extortion laban sa isang public school teacher sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Pinangunahan ni P/Chief. Insp. Nico Fuentes, hepe ng CIDG chief sa Camarines Norte ang inilatag na entrapment ope­ration laban sa suspek na si ex-Councilor  Andres “kadi” Mago ng Barangay Anahaw, Labo, Camarines Norte.

Lumilitaw na nagpanggap na abogado ang suspek at hinihingan ng malaking halaga ang biktimang itinago sa pangalang Pablito upang ayusin ang kanyang kasong kinasa­sangkutan. 

Nabatid na nagbigay ng P20,000  ang biktima sa suspek subalit muli na namang humihingi ng karag­dagang pera hanggang sa magkasundo na magbibigay muli ng P50,000.

Dito na nadakma ang suspek sa isinagawang entrapment operation matapos magreklamo ang biktima.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng suspek ang akusasyon ng biktima. 

vuukle comment

ANDRES

BARANGAY ANAHAW

CAMARINES NORTE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAET

DITO

LABO

LUMILITAW

MAGO

NICO FUENTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with