^

Probinsiya

Kumander ng Abu arestado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa na namang kumander ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na ope­rasyon sa bayan ng Jolo, Sulu, ayon sa ulat kahapon.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Jeri Jeheron na gumagamit ng alyas Black Tungkang na matagal ng tugis ng batas kaugnay ng pagkakasangkot sa kidnapping for ransom, ambuscades at pambobomba sa Western Mindanao.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasig Regional Trial Court Branch 162 kaugnay ng kidnapping-for-ransom kasama ang mga lider ng Abu Sayyaf na sina Commander Radulan Sahiron at Isnilon Hapilon.

Sinasabing ang suspek na may patong sa ulo na P3.3 milyon ay nadakma habang nagsasagawa ng surveillance operation laban sa negosyanteng Tsino na planong dukutin nang matiyempuhan ng mga awtoridad sa pantalan ng Jolo.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BLACK TUNGKANG

COMMANDER RADULAN SAHIRON

DINAKIP

ISA

ISNILON HAPILON

JERI JEHERON

JOLO

PASIG REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

WESTERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with