MANILA, Philippines - Ginulantang ng malakas na pagsabog ang pampublikong terminal ng bus kung saan nasugatan ang isang tindero matapos sumabog ang bomba na itinanim ng mga di-kilalang kalalakihan sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong Lunes ng hapon. Kinilala ni Brig. Gen. Emmanuel Ochotorena, deputy commander ng Army’s 6th Infantry Division ang nasugatang biktima na si Raymundo Echona. Ayon naman kay Army’s 6th Infantry Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto, bandang alas-4 ng hapon nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa bus terminal kung saan nawasak ang nakaparadang bus ng Rural Transit (KVP 839). Wala naman nasugatan o nasawi sa pagsabog na sinasabing gamit ang improvised explosive device. Pinaniniwalaan may kaugnayan sa extortion ang pagpapasabog habang patuloy ang imbestigasyon.