TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang motorsiklo ang nagkasalpukan kung saan isa ang nasawi habang isa naman ang malubha kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Barangay Ugad sa bayan ng Tumauini, Isabela. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Edward Gumaru ng Barangay Kansan, Cabagan habang naisugod naman sa ospital ang kritikal na si Jacinto Taguinod ng Barangay Bagutari kung saan dalawang iba pa ang nasugatan. Nabatid sa ulat ng pulisya na kapwa lango sa alak ang drayber ng motorsiklo kaya naganap ang trahedya.