Chopper sumadsad: 7 sugatan
MANILA, Philippines - Pito-katao ang iniulat na nasugatan matapos na sumadsad ang helicopter ng Phil. Air Force sa bahagi ng Barangay Bangayan sa bayan ng Kitcharo, Agusan del Norte kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni Lt. Col. Miguel Ocol, spokesman ng Philippine Air Force, naganap ang insidente bandang alas-10:30 ng umaga kung saan sumadsad ang chopper na may tail number 317.
Pansamantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga sugatan kabilang na ang dalawang piloto, dalawang crew at tatlong sundalo ang sakay ng nasabing helicopter para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.
Ayon pa kay Ocol, nagtamo lamang ng mga minor injuries ang mga biktima at nasa maayos na kalagayan habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng 205th Tactical Helicopter Wing ng Phil. Air Force.
- Latest
- Trending