^

Probinsiya

Pagpatay sa Fil-Swedish trader, barbaric act - AFP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Asal barbaro!

Ito ang paglalarawan kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamaslang ng mga rebeldeng New People’s Army sa negosyanteng Filipino-Swedish  na si Patrick Wineger sa Kidapawan City, North Cotabato noong Miyerkules (Marso 7).

Sinabi kahapon ni AFP Civil Relations Service Chief  Brig Gen. Rolando Tenefrancia, ang pag-amin ng mga rebelde sa brutal na pagpatay kay Wineger ay patunay na walang pagpapahalaga sa buhay ang NPA.

“This is a clear violation of human rights. Moreover, what the NPA did  shows that they are judge and executioner rolled into one. Indeed they practice ‘kangaroo court’  a barbaric act,” ani Tenefrancia.

Sinabi ni Tenefrancia na dapat tigilan na ng NPA ang karahasan para sa ikasusulong ng kapayapaan sa bansa. Sa tala ng pulisya, si Wineger, 47, nakatira sa bayan ng Makilala, North Cotabato ay niratrat habang namimili ng gulay sa talipapa.

Nagmamay-ari ng rubber plantation si Wineger kung saan aktibo sa pakikiisa sa peace campaign ng tropa ng militar. Naghihinala naman ang militar na extortion ang pangunahing motibo ng pamamaslang sa biktima. 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BRIG GEN

CIVIL RELATIONS SERVICE CHIEF

KIDAPAWAN CITY

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

PATRICK WINEGER

ROLANDO TENEFRANCIA

SINABI

TENEFRANCIA

WINEGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with