Truck bumaliktad: 1 utas, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Isa-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos bumaliktad ang sina­sakyang truck sa kahabaan ng Marcos Highway sa Baguio City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Baguio City PNP na nakarating sa Camp Crame, nawalan ng control sa manibela ang drayber ng Isuzu Elf truck (UST 331 ) na si Dennis Corpuz kaya nagpagulung-gulong sa highway kung san nasawi si Abner Naval.   Naisugod naman sa Baguio City General Hospital ang mga sugatang sina Efren Carusa, Reynaldo Landicho at ang driver ng truck na si Dennis Corpuz. Sa nasabing insidente ay nagkabasag -basag naman ang kargamentong aluminum glass na dadalhin sana sa isang kompanya.

Show comments