Nabagsakan ng biga, pisak

QUEZON ,Philippines  - Nauwi sa trahedya ang bayanihan ng Parents Teachers Association kung saan isang mister ang nasawi matapos mabagsakan ng sementadong biga sa Perez West Elementary School sa Barangay Bagong Silang sa bayan ng Perez, Quezon kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabo ng buhay sa Alabat District Hospital si Romeo Manlogon, mangingisda at nakatira sa Barangay Bagong Pag-asa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga ay napagpasiyahan ng mga miyembro ng PTA na magsama-samang tumulong para gibain ang gusali sa nasabing eskuwelahan.

Habang ginigiba ng biktima ang bahagi ng kon­kretong gusali ay hindi nito napansin ang pagbagsak ng konkretong biga at bumagsak ito sa kanyang ulo.

Sa pamumuno ng pa­ngulo ng PTA na si Ro­berto Buerano ay dinala sa ospital ang biktima subalit namatay din ito.

Show comments