^

Probinsiya

Presinto hinaras ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang sibilyan ang iniulat na nasugatan matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s  Army ang himpilan ng Community Police Assistance Center sa Barangay Taysan sa Legazpi City, Albay noong Biyernes ng gabi. Naganap ang pangha-harass ng mga rebelde sa nasabing unit ng pulisya bandang alas- 8:45 ng gabi kung saan na­sugatan si Annabelle Gapos. Sa ulat ni P/Supt. Oscar Regala, hepe ng pulisya sa Legazpi City, tinamaan ng ligaw na bala si Gapos na naninirahan malapit sa nasabing presinto. Naitaboy naman ang mga  rebelde matapos makipagbarilan ng mga pulis na nagbabantay. Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pulisya kung saan nabigo ang mga rebelde na mapasok ang nasabing himpilan.

ALBAY

ANNABELLE GAPOS

BARANGAY TAYSAN

BIYERNES

COMMUNITY POLICE ASSISTANCE CENTER

ISANG

LEGAZPI CITY

NAGANAP

NEW PEOPLE

OSCAR REGALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with