Natalo sa suntukan namaril

MANILA, Philippines - Anim-katao ang sugatan matapos mamaril ang 26-anyos na lalaki na natalo sa suntukan sa Barangay Sta, Maria, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Naisugod naman sa Saint Paul Hospital ang mga sugatang sina Jenneth Mendoza, 38; Aniceto Mendoza, 42; Kurt Adrian Mendoza, 12; Renz Mark de la Torre, 2; Katrina Gatchalian, 12; at si Niña Layones, 56. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Aldrin Beltran na sinasabing nakipagsuntukan kay Aniceto subalit natalo. Hindi naman matanggap ng suspek ang pagkatalo kaya nag-amok at namaril bago mabilis na tumakas.

Show comments