Bunso kinatay ni kuya

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napaslang ang 43-anyos na lalaki ng kanyang matandang kapatid na magsasaka matapos pagtatagain dahil sa lupaing sinasaka na minana mula sa kanilang mga magulang sa Barangay Baluncanag sa bayan ng Rizal, Cagayan kamaka­lawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Nardito Bambalan, 43, habang naaresto naman ang suspek na si Joseph Bambalan, 46, na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nagsasaka ng palay ang biktima nang sugurin at pagtatagain ng kanyang utol. Animo’y “Cain at Abel” sa kasaysayan sa Bibliya ang naganap na krimen sa mag-utol,” pahayag ng imbestigador.

Show comments