^

Probinsiya

2 pulis sa kidnap slay ng Tsinay, sumuko

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nakonsensya kaya sumuko na kahapon sa himpilan ng Laguna Provincial Police Office ang dalawang pulis na isinangkot sa kasong pagdukot at pagpatay sa misis ng negosyanteng Tsinoy na narekober ang naagnas na bangkay sa bayan ng San Pedro noong Pebrero 2012.

Kinilala ni Laguna PPO Director P/Senior Supt. Gilbert Cruz ang mga suspek na sina PO1 Otelio Santos Jr. at PO1 Jifford Signap.

Ang dalawa ay ikinanta ng pangunahing suspek na dating pulis na si Reginald Santiago na isa sa mga suspek na nasakote sa brutal na pagpatay kay Leah Angeles Ng na executive officer ng mall sa Cebu City.

Ang bangkay ni Ng ay narekober sa oil bunker sa abandonadong bodega sa San Pedro noong Pebrero 23 kung saan dinukot noong Enero 20 sa Quezon City.

Bukod sa dalawang pulis ay itinuro namang utak si dating National Capital Region Police Office spokesman Col. Rommel Miranda na nakatalaga sa Police Regional Office 7 sa Cebu City.

Una nang itinanggi ni Miranda ang akusasyon at sinabing may nais lamang sumira sa kaniyang kredibilidad.

Sinasabing nabigo ang pamilya ng biktima na magbayad ng ransom sa mga kidnaper kaya pinaslang ito. 

vuukle comment

CEBU CITY

DIRECTOR P

GILBERT CRUZ

JIFFORD SIGNAP

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LEAH ANGELES NG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

OTELIO SANTOS JR.

PEBRERO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with