^

Probinsiya

Pasyente utas sa riot sa ospital

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Hindi lamang sa bilangguan nagaganap ang kaguluhan, maging sa loob ng ospital ay sumiklab ang sinasabing riot kung saan napatay ang 51-anyos na pasyenteng lalaki makaraang pagtulungang gulpihin ng mga kabarong pasyente sa Bicol Medical Center Psychiatric Department sa Barangay Cadlan sa bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Bandang alas-4 ng hapon nang natagpuang patay sa strap room ang biktimang si Delvin Mora ng Barangay San Vicente Sur, Iriga City.

Samantala, ang mga suspek na pawang mga pasyante rin ay nakilalang sina Rico Janoras, 30, ng Sorsogon City; Manny Doronela, 31, ng Goa, Camarines Sur; Michael Hesenarioa, 26, ng Sorsogon City; Ivan Dimaiwat, 25,  ng Pamplona Camarines Sur; at si Rogelio Reyes ng Camarines Norte.

Lumilitaw na sumiklab ang kaguluhan sa strap room ng nasabing ospital bandang alas-4 ng hapon kung saan mabilis namang humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan ang nakatalagang nurse na si Jesus Japson.

Dito na natagpuan ang duguang nakabulagta habang ang mga suspek naman ay nakatayo lamang na animo’y walang naganap na krimen.

Pansamantala namang dinala sa kulungan ang mga suspek kung saan ipinagbigay-alam sa pamilya ng biktima ang naganap na insidente.

BARANGAY CADLAN

BARANGAY SAN VICENTE SUR

BICOL MEDICAL CENTER PSYCHIATRIC DEPARTMENT

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DELVIN MORA

IRIGA CITY

IVAN DIMAIWAT

JESUS JAPSON

SORSOGON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with