Magsyota dedo sa road mishap
MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng magkasintahang estudyante makaraang sumempalang ang kanilang motorsiklo sa highway ng Barangay Binsang sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw.
Idineklarang patay sa ospital ang magsyotang Crisante Agbayani at Charisse Matias na nagtamo ng matitinding sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.
Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang dalawa mula sa birthday party nang mawala sa control at sumemplang ang kanilang motorsiklo pagsapit sa kurbadang highway.
Tumilapon ng may ilang metro ang dalawa saka bumagok ang ulo sa semento. May teorya ang pulisya na nakainom ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo kaya naganap ang trahedya.
- Latest
- Trending