110 nadale sa kemikal

MANILA, Philippines - Umaabot  sa 110-katao ang na-ospital habang nasa 600 naman ang inilikas matapos na tumagas ang nakalalasong kemikal sa fishing company sa Barangay Ayala, Zamboanga City noong Miyerkules ng gabi. Sa phone interview, nilinaw naman ni Zamboanga City PNP director P/Senior Supt. Edwin de Ocampo na walang naganap na pagsabog sa iceplant ng Leo Fishing Company kung saan isa sa mga pipeline ay tumagas ang ammonia. Bunga nito ay isinugod naman sa ospital ang mga residenteng nakalanghap ng kemikal matapos na dumaing ng matinding pagkahilo, pananakitang ulo at tiyan. Pansamantala namang inilikas ang may 100 pamilya habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments