P14.7M pabahay sa nasunugan
ZAMBALES, Philippines - Agad na tumugon ang lokal na sangay Department of Social Welfare and Development sa kahilingan ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. 200 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog matapos maglaan ng pondong P14.7 milyon para sa pabahay sa mga nasunugan sa Sitio Matalvis, Barangay Inhobol sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Linggo. Ang paglalaan ng financial assistance ay ipinag-utos ni DSWD Sec. Dinky Soliman kay Maura dela Rosa, DSWD assistant regional director for Luzon, kung saan ang budget ay ipapambili ng mga housing materials upang muling makapagtayo ng mga bahay. Kasunod nito ay muling namahagi ng relief goods partikular ang inuming tubig, banig, kumot at kulambo sa kautusan na rin ni. Gov. Ebdane. Siniguro rin ng gobernador na mabibigyan ng permanenteng relocation site ang mga naapektuhan ng sunog.
- Latest
- Trending