Shuttle bus kinarnap

MANILA, Philippines - Muling bumanat ang carnapping gang matapos na karnapin ang shuttle bus ng mga kawani ng kilalang kumpanya sa crossing ng Barangay 1, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Gilberto Cruz na nakarating sa Camp Crame, nakaparada ang Hyundai employees shuttle bus ng Toyota Carica Phils (DXX 848) sa nasabing lugar nang tangayin. 

Ang nasabing shuttle bus ay nakabase sa Barangay Pulong Santa Cruz,  Sta. Rosa City, Laguna.

Lumilitaw sa imbestigasyon, na iniwan ng driver ang susi ng shuttle bus kung saan ipinarada nito sa gilid ng highway dakong alas-9 ng gabi noong Lunes (Peb. 27) Gayon pa man nang balikan niya bandang alas-5:54 ng uma­ga kinabukasan ay nawawala na ang bus.

Show comments